Wednesday, 27 March 2019



Amado V. Hernandez


Si Amado Vera Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre  taong 1903. Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy , Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral siya sa  Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspndence School). Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” sa ating panitikan sa kadahilanang sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa  mga dukhang  manggagawa. Siya ay naging isang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon  ng pananakop ng amerikano. Nakipag-ugnayan siya sa mga komunista na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong.


Mga Akda 
Ibong Mandaragit




Kung ating susuriin ang nobelang  Mga Ibong Mandaragit, makikitang sa kabila ng matagal na itong nailimbag at tungkol ito sa nakaraan, napapanahon naman ang suliraning inilahad ng nobela. Ganun   din  naman   ang   diwa   at   kaisipan   na   lubos   nating   kailangan sapanahong ngayon. Sinasalamin ng mayayaman at nakakataas sa nobela ang katauhan ng mga
namumuno rin sa pamahalaan ngayon. Buong puso naman ang paglalahad ng  mga kaisipan, sariling opinyon, kaalaman at paglalarawan sa bawat tauhan. Makikita na ang mga tauhan sa nobela ay binatay ang kanilang ugali at pananaw sa buhay sa kanilang katayuan sa buhay na mabisang naipakita sa akda. Halimbawa na lamang ang pangunahing tauhan na si Mando Plaridel, na inahalintulad ang buhay kay Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere at kay Simoun sa El Filibusterismo kung saan nahubog ang kanyang isipan sa paghahangad ng pagbabago dahil sa mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay.
  
Malaki ang pakinabang ng nobelang ito sa ating lahat. Una, isa itong akdang may temang sosyo-politikal na magbibigay sa atin ng kaalaman patungkol sa kalagayan ng ating bansa sa nakalipas na panahon at kung paano ito maikukumpara sa kasalukuyang kalagayang ngayon. Pangalawa, isa itong akdang magbubukas sa ating  isipan para  sa pagbabago ng sistemang matagal nang kumukubli sa katotohanan at nagtatanggal ng karapatan sa pantay na pamumuhay. Ganun din naman ang paraan ng pagsulat ng may-akda na magbibigay sa atin ng karagdagang kaalaman sa ating bokabularyo. Ang nobela ring ito ay ang ating daan sa nakaraan upang malaman natin ang mga nangyari sa nakalipas na panahon. Panghuli at pinakamahalaga, isa itong akdang nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang magbasa pa tayo ng ganitong mga uri ng panitikan na may ganitong uri ng tema.

references:
http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html




No comments:

Post a Comment