Wednesday, 27 March 2019


Iñigo Ed Regalado





Iñigo Ed Regalado (1855- 1896 ) siya ay isa
ring kuwentista, nobelista at mamahayag ngunit ang buong linamnam at tamis ng kaniyang pagkamulat ay sa kaniyang mga tula malalasap. Tinalakay niya sa kaniyang mga tula ang buhay sa daigdig, ang mga bagay- bagay sa kapaligiran at ang mga di mapapasubaliang katotohan ng buhay.

MGA AKDA



Sa mga unang taon ng 1900, sumulat si Regalado
 sa mga pahayagan tulad ng Ang Mithi, Pagkakaisa, Watawat, at Pliegong Tagalog. Naging patnugot dn siyá ng mga magasing Ilang-ilang at Liwayway. Naging konsehal din siyá ng Maynila nang ilang termino.
Labingwalong taóng gulang lámang si Regalado nang sulatin niyá ang kaniyang unang nobela, ang Madaling-araw, na nasundan ng marami pa. Nakapaglabas din siyá ng mga koleksiyon ng mga tula tulad ng Damdamin at Bulalakaw ng Paggiliw, at maikling kuwento gaya ng “Sa Laot ng Kapalaran.” Nakapagsulat din siyá ng libretto, tulad ngHinilawod (1970) at mga isahing-yugtong dula gaya ng Isang Panyo Lamang, Mahiwagang Tao at Sa Bundok.
Sumulat din si Ragalado ng malawakang pag-aaral tungkol sa nobela, ang “Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog,” at ibinahagi niyá ito sa isang talumpating itinaguyod ng Surian ng Wikang Pambansa.
Isinilang si Iñigo Ed. Regalado noong 19 Marso1888 sa Sampaloc, Maynila. Anak siyá nina Iñigo Corcuera Regalado, isa ring sikat na manunulat, at Saturnina Reyes. Napangasawa niyá si Leonisa Bonus. Nag-aral si Regalado sa Escuela Municipal de Sampaloc. Nang mamatay ang kaniyang ama, sinuportahan niyá ang sariling pag-aaral. Nagtapos siyá ng bachiller en artes sa Liceo de Manila, at bachiller en leyes sa La Jurisprudencia. Nagenrol din siyá sa University of the Philippines School of Fine Arts. Dito ay naging guro niyá si Fabian de la Rosa at naging kaklase sina Fernando Amorsolo at Guillermo Tolentino. (GSZ)
  
PANGKALAHATANG BUOD: Isinulat ni Iñigo Ed. Regalado noong disiotso anyos siya, ang Madaling Araw ay masalimuot at malawak na nobelang tinalakay ang maraming bagay mula pansarili hanggang panlipunan at pampulitikang usapin. Isang malaking hibla, na sinusuhayan ng ilang salaysay ang nag-uugnay sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Si Mauro, isang makatang pintor ay napamahal kay Luisa, na ang magulang ay yamot sa nasabing binata. Napaibig naman si Daniel kay Nieves na anak ng isang mayaman. Ang hadlang sa kanilang pag-iibigan ay hindi lamang mula sa mga magulang, bagkus maging kay Pendoy, na nabalani sa dalawang dalaga. Noong una, naniwala ang dalawang binata sa mga maling pinagsasabi ni Pendoy laban sa dalawang dalaga. Tinalakay din ng nobela ang kondisyong panlipunan at pampulitika, lalo na ang mga dukhang pinagsamantalahan ng gaya nina Kapitan Leon, ang tiyo ni Mauro na gahamang dayuhang kapitalista. Isinakataga naman ni Juan Galit ang pangunahing tema ng nobela. Nagbabala si Juan Galit na dadanak ang dugo para sa pakikibaka, dahil tanging iyon lamang ang paraan upang maintindig nito muli ang sarili mula sa karukhaan at kaalipustaan.

PAMBUNGAD NA TALA: Ang Madaling Araw ay may tekstura ng mga naunang akda, gaya ng sinulat nina Roman Reyes at Valeriano Hernandez Peña, na gumamit ng matitingkad na imahen ng pamumuhay at gawi ng maraming bayan sa rehiyong Tagalog. Ngunit kaalinsabay ng ganitong paglalarawan ang mababalasik na tagpo ng pag-aaklas ng manggagawa, ang maiinit na pagtatalo sa paggamit ng mga paraan upang baguhin ang lipunan, at sa isang kabanata, itinampok ang kasapi ng Liga ng mga Kontra-Imperyalista at tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng kilusang ito na tumututol na gawing estado ng Amerika ang Pilipinas.



Sinasaklaw ng nobela ang pagbabago ng Maynila at ang 
pagbabago ng mga tao sa isang lipunan. Ang Maynila, magandang siyudad ng Pilipinas ay may ikinukubling kabulukan. Ang mga babaeng animo’y malilinis at mararangal ay may itinatagong kabulaanan. Nakatuon ang nobela sa paglalaho ng puri at katwiran ng isang tao. Ang mga pangyayari sa nobela ay umiikot sa panloloko, pagtataksil, eskandalo at pighati. Binigyang buhay dito ang mga karakter ng mga pangunahing tauhan na sina Pakito, Bandino at Nenita. Umiinog ang nobela sa mga masaya at maningning ngunit maingay at masalimuot na buhay ng mga karakter. Bawat isa   ay  mayroong   mga mahahalagang   papel  na   ginagampanan  na  nagpapakita  ng   tunay   na karanasan. Ang nobelang ito ay nakatuon sa pagtataksil ng isang babaeng tinitingala sa mataas na
antas ng lipunan. Sa kabila ng kagandahang pinagkakaguluhan ng maraming kalalakihan, ay may nakatagong kahalayan. Ang pagkasira ng buhay ng isang tao, pagkawasak ng isang iniingatang pangalan at pagkawala ng mga taong pinag-uukulan ng pag-ibig ay binigyang-diin sa nobela. Inihahayag ng nobelang ito ang mga tunay na mga karanasan at pangyayari na naghahatid ng  mga   mensaheng   makapupukaw   sa   kamalayan   ng   isang   mambabasa.   Inilalahad  nito   ang katuturan ng pamagat na Sampaguitang Walang Bango
  
Mga Kaisipan: Dapat matuto tayong makuntento sa mga bagay na mayroon tayo sapagkat ang isang taong kuntento sa mga kung anong mayroon siya ang nagtatagumpay sa buhay at pinagpapala ng Maykapal. Huwag natin gawin sa iba ang ayaw nating gawin sa atin Ang  pagdedesisyon  ay  pinag-iisipan  ng   makailang   beses  upang  sa   huli   ay   hindi   ito pagsisihan.




References:

https://docslide.net/documents/pagsusuri-ng-nobelang-sampaguitang-walang-bango.html




Amado V. Hernandez


Si Amado Vera Hernandez ay isinilang noong ika-13 ng Setyembre  taong 1903. Ipinanganak siya sa Sagrada familia sa Hagonoy , Bulacan subalit siya ay lumaki sa Tondo, Manila kung saan nakapag-aral siya sa  Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspndence School). Si Amado V. Hernandez ay tinaguriang “Makata ng mga Manggagawa” sa ating panitikan sa kadahilanang sinasalamin ng kanyang mga tula ang marubdob na pagmamahal sa  mga dukhang  manggagawa. Siya ay naging isang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa. Pinuna niya at sinuri ang kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong panahon  ng pananakop ng amerikano. Nakipag-ugnayan siya sa mga komunista na siyang naging sanhi ng kanyang pagkakakulong.


Mga Akda 
Ibong Mandaragit




Kung ating susuriin ang nobelang  Mga Ibong Mandaragit, makikitang sa kabila ng matagal na itong nailimbag at tungkol ito sa nakaraan, napapanahon naman ang suliraning inilahad ng nobela. Ganun   din  naman   ang   diwa   at   kaisipan   na   lubos   nating   kailangan sapanahong ngayon. Sinasalamin ng mayayaman at nakakataas sa nobela ang katauhan ng mga
namumuno rin sa pamahalaan ngayon. Buong puso naman ang paglalahad ng  mga kaisipan, sariling opinyon, kaalaman at paglalarawan sa bawat tauhan. Makikita na ang mga tauhan sa nobela ay binatay ang kanilang ugali at pananaw sa buhay sa kanilang katayuan sa buhay na mabisang naipakita sa akda. Halimbawa na lamang ang pangunahing tauhan na si Mando Plaridel, na inahalintulad ang buhay kay Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere at kay Simoun sa El Filibusterismo kung saan nahubog ang kanyang isipan sa paghahangad ng pagbabago dahil sa mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay.
  
Malaki ang pakinabang ng nobelang ito sa ating lahat. Una, isa itong akdang may temang sosyo-politikal na magbibigay sa atin ng kaalaman patungkol sa kalagayan ng ating bansa sa nakalipas na panahon at kung paano ito maikukumpara sa kasalukuyang kalagayang ngayon. Pangalawa, isa itong akdang magbubukas sa ating  isipan para  sa pagbabago ng sistemang matagal nang kumukubli sa katotohanan at nagtatanggal ng karapatan sa pantay na pamumuhay. Ganun din naman ang paraan ng pagsulat ng may-akda na magbibigay sa atin ng karagdagang kaalaman sa ating bokabularyo. Ang nobela ring ito ay ang ating daan sa nakaraan upang malaman natin ang mga nangyari sa nakalipas na panahon. Panghuli at pinakamahalaga, isa itong akdang nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang magbasa pa tayo ng ganitong mga uri ng panitikan na may ganitong uri ng tema.

references:
http://narvasakj.blogspot.com/2017/03/pagsusuring-pampanitikan-talambuhay-ni.html




Tuesday, 26 March 2019

PANAHON NG AMERIKANO

Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhzurjNAdpAld9NLjqr6qvn2gK8DqkI2r3T0KD0It7xlL9BQDSvYnvXXzh-W12XElLoRIUt7EKVJcjleIZTzfqdRr2bcv-OpyBl8F_uokcQeBgh9m2zSJEDT68DacQCY3ZDixqk-GeMlZ2m/s320/download+%25281%2529.jpg
LOPE K. SANTOS
Kapanganakan
25 Setyembre 1879
Kamatayan
1 Mayo 1963 (edad 83)
Iba pang pangalan
Lope C. Santos
Hanapbuhay
manunulat, manananggol, politiko

isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas. Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos. Ang kanyang mga magulang ay sina Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang asang padasino das (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.

Mga Akda


Description: Image result for lope k. santos mga akda
Balarila ng Wikang Pambansa

Ang Balarila ng Wikang Pambansa ay isang aklat hinggil sa wastong pagsasalita at pagsusulat ng wikang Tagalog. Isinulat ito ni Lope K. Santos at inilathala ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1939 . Ang Paunang Salita nito ay isinulat ni Jaime C. de Veyra na noon ay Direktor ng Surian. Ang Balarila ay isinulat para sa mga guro na nagtuturo ng wikang Tagalog . Nahahati ang mga paksa nito sa Palátitikan, Palábigkasan, Paláugnayan, at Palásurian. Sa apat na paksang ito tanging ang Palásurian ang nabigyan ng masaklaw na paglalahad. Unang ginamit ito ng mga mag-aaral ng pagtuturo sa elementarya na nasa ikalawang antas at mga hayskul na nasa ikaapat na antas sa buong bansa . Ayon kina Alfonso O. Santiago at Norma G. Tiangco  ang lahat halos ng mga balarilang ginagamit sa mga paaralan, maging sa elementarya, sa mataas na paaralan, sa kolehiyo at unibersidad, ay pawang batay sa Balarila ni Lope K. Santos.. Ganito rin ang pananaw ni Ponciano B. P. Pineda, na dating tagapangulo ng Komisyon ng Wikang Pilipino, na hanggang dekada 70 ay ilan pang mga guro ang gumagamit ng mga aklat na hango sa 1939 Balarila sapagka’t wala silang magamit na mga aklat na makabago .


Description: https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjaz5qkJjrA1CD56XqraaYWyVTlec6NS_uB3CxfVF08sRFbf9LSlzP62f6ZyUX7awjofFs1M3ArQiiNC68ziWSzX9kZkbXSMEjA9pFr_cZ9Fh0WWQM6-fre9CyhA7iN-YjPgaivZ4N7Cula/s320/download.jpgBanaag at Sikat


Ang Banaag at Sikat ay isa sa mga isinaunang mahabang salaysayin pampanitikan na isinulat ni Lope K. Santos sa wikang Tagalog noong 1906.Bilang isang aklat na tinaguriang “bibliya ng mga manggagawang Pilipino”, umiinog ang mga dahon ng nobelang ito sa buhay ni Delfin, sa kaniyang pag-ibig sa isang dalagang anak ng mayamang nagmamay-ari ng lupa, habang tinatalakay din ni Lope K. Santos ang mga paksang panlipunan: ang sosyalismo, kapitalismo, at mga gawain ng mga nagkakaisang-samahan ng mga liping manggagawa, nasa wikang Ingles, Mga Lathalain Hinggil sa Kalinangan at Sining, Tungkol sa Kalinangan at Sining, nccang ang akdang ito ni Lope K. Santos ito ang “nagbigay-daan para maisulat ang iba pang mga nobelang nasa wikang Tagalog” na may pinagsanib na mga paksang hinggil sa pag-ibig, pangkabuhayan, at sa makatotohanan at gumagalaw na katayuan ng lipunan. Bagaman isa ito sa pinakaunang mahabang salaysayin sa Pilipinas na nakaantig ng damdamin ng lipunan, sinasabi na naging pamukaw-kasiglahan din ito ng kilusang Hukbalahap o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon.


Inuurirat ng nasabing nobela ang bisa ng kayamanan at kapangyarihan sa relasyon ng mga tao, at kung bakit nananatiling dukha ang marami. Ngunit higit pa rito, nagpapanukala ang nobela ng mga pagbabago sa pananaw, pagsusuri sa lipunan at kasaysayan, at pagsasanib ng mga dukha upang baligtarin ang namamayaning baluktot na kalakaran. Kakaunti lamang, sa aking palagay, ang tunay na nakabasa ng nobela ni Santos; at marahil may kaugnayan ito sa prehuwisyo, katamaran, o pagkatiwalag sa wika at panitikang Tagalog. Ano’t anuman, ang muling pagbasa sa nasabing nobela ay isang paraan ng pagkilala, kung hindi man pagbabayad, sa malaking pagkaligta sa dakilang manunulat na Tagalog.
Kahanga-hanga ang lawak ng bisyon ni Santos sa pagkatalogo ng mga pangyayari, at sa mga paglalarawan ng mga tauhan, tagpo, at tunggalian. Mulang sinaunang pamahiin sa pagbubuntis ni Meni hanggang lumang paniniwala sa paglilibing kay Don Ramon, nahuli ng awtor ang kislot ng guniguni ng karaniwang Tagalog at ito ang mahirap pantayan ng mga kapanahong akda ng Banaag at Sikat. Maihahalimbawa ang detalyadong paglalarawan sa Antipolo, na maihahambing noon sa Baguio at iba pang tanyag na resort ngayon, at kung paanong ang pook na ito ay kapuwa nagtataglay ng kabanalan at kalaswaan. Pambihira  rin ang deskripsiyon mula sa limbagan, at maiisip kung gaano kabigat ang ginagawa noon ng mga trabahador sa imprenta; o kaya’y ang paglalahad sa hirap na dinaranas ng mga Filipino na napipilitang sumakay ng barko upang makipagsapalaran sa iba’t ibang bansa. Sa paglalangkap ng diyalohikong agos ng mga pangyayari at diyalohikong usapan ng mga tauhan, nakalikha si Santos ng kahanga-hangang kaisipang nakapaghahayag ng panukalang sosyalismong Tagalog para sa Katagalugang kumakatawan sa buong bansa, ayon sa sipat ng Katipunan.
Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang pagbabago sa lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan. Maaaring munting sinag mula sa malayo ang nakikita ni Santos noon, at siyang ipinaloob niya sa diwa nina Delfin at Felipe na inaasahang magpapasa rin ng gayong diwain sa kani-kaniyang anak. Ang ipinunlang kaisipan ng awtor ay masasabing napapanahon na, at sumisikat na sa kaisipan ng bagong henerasyong nasa alaala na lamang ang gaya ng Colorum at HUKBALAHAP sa harap ng Bagong Hukbong Bayan at Bangsamoro. Gayunman, makabubuting magbasa muna ng aklat, at basahing muli ang Banaag at Sikat, nang matiyak nga kung anong silakbo ang iniwan ni Lope K. Santos sa kaniyang mga kapanahong manunulat at siyang umaalingawngaw pa rin magpahangga ngayon sa ating piling.



References:
*//dakilapinoy.com/2008/10/15/muling-pagbasa-sa-banaag-at-sikat-ni-lope-k-santos/
*//tl.wikipedia.org/wiki/Balarila_ng_Wikang_Pambansa

//teksbok.blogspot.com/2013/02/banaag-at-sikat_9.html
* //tl.wikipedia.org/wiki/Nobela
* //tl.wikipedia.org/wiki/Lope_K._Santos
*//www.google.com/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjSzNayv5_hAhUHH3AKHYoCBg8QMwg9KAswCw&url=http%3A%2F%2Fwww.seasite.niu.edu%2Ftrans%2Ftagalog%2Fmodules_in_tagalog%2Fmga_kilalang_pilipino_sa_sining.htm&psig=AOvVaw3s07wLk1BdjIcpuA_ohxgY&ust=1553678988328250&ictx=3&uact=3
*https://www.google.com/url?sa=i&source=images&cd=&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjSzNayv5_hAhUHH3AKHYoCBg8QMwg4KAYwBg&url=https%3A%2F%2Fwww.flickr.com%2Fphotos%2Fnccaofficial%2F18248933158&psig=AOvVaw3s07wLk1BdjIcpuA_ohxgY&ust=1553678988328250&ictx=3&uact=3



x
x
x